Sa layon ng pamahalaang lungsod na protektahan ang ating kabataan laban sa panganib ng Covid-19, ipinasiya ni Mayor Lani Mercado Revilla na suspendihin ang pasok sa mga paaralan, private at public, sa lahat ng antas, mula Marso 16 hanggang Abril 12, 2020.

Gagamitin ang transmutation formula ng Department of Education para ma-compute ang class standing ng mga mag-aaral nang walang fourth quarter examinations. Lahat ng graduation, recognition, at moving up ceremonies ay postponed sa ngayon. Pinaaalalahanan ang mga magulang na panatilihing nasa tahanan ang kanilang mga anak sa mga panahong ito.