ALAMIN

Alinsunod sa City Ordinance No. CO 29-2019, muli nang pinanumbalik ang Libreng Sine program para sa mga senior citizens at persons with disability (PWD). Ayon sa ordinansiya, maaaring makapanood ng sine ang mga seniors at PWDs tuwing Lunes sa SM City Bacoor at SM Molino. Kailangang ipakita ng mga senior citizens ang kanilang ID at purchase booklet na galing sa Office of Senior Citizen’s Affairs upang makabahagi sa programa. Ang mga PWD naman ay kailangang ipakita ang kanilang valid ID na galing sa City Social Welfare and Development Office. Maraming salamat po.

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani