Mga kababayanan nating tricycle drivers, may magandang pagkakataon na nais ibahagi ang Lungsod ng Bacoor at foodpanda.ph para makatulong sa inyong kabuhayan.

KUNG IKAW AY…
a. 21 years old pataas
b. May Tax Identification Number or TIN
c. May-ari at gumagamit ng iPhone 4s (o mas bagong modelo) o di kaya’y Android Phone na tumatakbo sa Android 4.2 (o mas bagong version)
d. May-ari at/o nagpapatakbo ng tricycle na maaring gamiting motorcycle
e. Mayroong Land Transportation Office-issued Driver’s License na valid sa darating na tatlong buwan, at least
f. Ang tanging source of income, bago mag-ECQ, ay magpasada araw-araw
g. Nais maging independent contractor driver ng FPPI sa darating na dalawang buwan, atleast
h. Nakatira sa Lungsod ng Bacoor

Magtungo sa PESO Office sa City Hall para magpasa ng requirements.

#LoveMyBacoor