Mga BacooreƱo, narito po ang karagdagang update tungkol sa kaso ng Ahjay Paws Aftercare Pet Crematorium.
Batay po sa pinakahuling ulat, hindi na nakikipagtulungan sa imbestigasyon ang may-ari na si Mr. Jonathan Legaspi at hihintayin na lamang umano niya ang mga kasong isasampa laban sa kanya.
Kaya naman, hinihikayat po natin ang ating 47 complainant na makipagtulungan sa Bacoor PNP upang maisampa ang mga kaukulang kaso.
Agad po tayong kumilos upang ipasara ang operasyon nito habang patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pananagutan ng mga sangkot at maisampa ang mga nararapat na kaso, kabilang ang posibleng kasong estafa.
Inatasan na rin ang paghahanda ng mga regulasyon para sa pet crematorium at pet cemetery sa Bacoor upang magkaroon ng malinaw na pamantayan at mas mahigpit na pagbabantay.
Target din nating magkaroon ng sariling pet crematorium ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor upang makapagbigay ng maayos, mapagkakatiwalaan, at abot-kayang serbisyo para sa ating mga fur babies.
Kaisa ninyo po ako sa laban na ito. Hindi natin hahayaang basta na lamang makalimutan ang nangyari. Gagawin natin ang lahat upang makamit ang hustisya at matiyak na hindi na po ito mauulit.
As We Strike As One
Dahil sa Bacoor, At Home Ka Dito!