Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla, kasama sina Sir Lodgene Asuncion, Atty. Kim Lofranco, at Sir Richard Quion, ang delegasyon ng City Government of Bacoor sa pagbisita sa Ulsan Technopark sa South Korea.
Ipinakilala sa ating delegasyon ang mga makabagong proyekto ukol sa Hydrogen Fuel Cell at Distributed Energy Systems, mga teknolohiyang mahalagang pag‑aralan para sa mas maayos at mas maaasahang enerhiya sa ating lungsod.
Kasabay nito, ginanap ang Ulsan–Bacoor Energy Infrastructure Technology Exchange Meeting, na naglalayong magtaguyod ng kooperasyon at palitan ng kaalaman tungo sa mas malinis at mas napapanatiling enerhiya para sa bawat Bacooreño.
Naroon din ang mga kinatawan mula sa Ulsan Technopark, Korea Testing & Research Institute (KTR), at RMS Platform Co., Ltd., kabilang sina Ki‑chang Lim, Jin‑wook Lee, Han‑woo Lee, Yoon‑soo Choi, Yoon‑ho Lee, Yu‑mi Jeon, Jun‑won Sung, Hyun‑hwa Shim, Sung‑woon Bae, at Gun‑ho Jung.
Lubos ang pasasalamat ng City Government of Bacoor sa mainit na pagtanggap ng ating mga katuwang sa Ulsan. Ang mga natutunan dito ay magsisilbing gabay sa ating patuloy na pagsusumikap para sa isang mas maunlad na Bacoor.
#CityGovernmentOfBacoor #StrikeSaSerbisyo #InternationalCooperation #EnergyInnovation #CleanEnergy #BacoorUpdates

