Panoorin ang mga piling sandali mula sa paggunita ng Araw ng Paglalathala at Pagtatanyag ng Kasarinlan ng Pilipinas ngayong Agosto 1, 2026 sa Lungsod ng Bacoor.
Isang dakilang pag‑alala sa kasaysayan kung saan, noong Agosto 1, 1898, mahigit 200 pinunong lokal mula sa 16 na lalawigan ang nagtipon sa Bahay na Tisa upang lagdaan ang Acta de Independencia, dokumentong isinulat ni Apolinario Mabini at nilagdaan ni Pangulong Emilio Aguinaldo, na pormal na nagpatibay sa kalayaan ng sambayanang Pilipino.
Sa ilalim ng Republic Act No. 12073, opisyal na kinikilala ang Agosto 1 bilang Araw ng Paglalathala at Pagtatanyag ng Kasarinlan ng Pilipinas, patunay ng mahalagang papel ng Bacoor sa ating kasaysayan at demokrasya.
Mabuhay ang malayang Pilipinas! Mabuhay ang Lungsod ng Bacoor!
#AgostoUno #BacoorAssembly1898 #ArawNgPagtatanyag #KasaysayanNgBacoor #CityGovernmentOfBacoor #StrikeSaSerbisyo #AtYourSerVICE #StrikeAsOne #SaBacoorAtHomeKaDito