Mga Bacooreño, mas pinadali na ang proseso ng SPass Renewal! Sa pamamagitan ng online system, mabilis at maayos na ang pag-update ng inyong aplikasyon.
Siguraduhin lamang na handa ang inyong mga requirements at sundin ang tamang proseso para sa verification at payment. Pagkatapos nito, makukuha na ninyo ang inyong schedule para sa sticker installation.
Ang Bacoor SPass ay mahalagang hakbang para sa mas ligtas at organisadong daloy ng trapiko sa ating lungsod. Kaya’t huwag kalimutan na i‑renew ang inyong SPass sa tamang oras.