Inihahandog ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, katuwang ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas, Pambansang Komisyon ng Kultura at mga Sining, Lungsod ng Bacoor, at Tanggapan ni Kinatawan Lani Mercado-Revilla ng Ikalawang Distrito ng Cavite; ang PANAYAM: ACTA AGOSTO UNO, isang lektura tungkol sa Asembleya ng Bacoor, 1898.
Ibabahagi ni Dr. Emmanuel Franco Calairo, Tagapangulo ng Cavite Historical Society at dating Tagapangulo ng NHCP, ang lalim ng halaga ng kasaysayan ng Bacoor Assembly. Magbibigay naman ng tugon si Dr. Ian Christopher B. Alfonso ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman sa lektura.
Ang programang ito ay opisyal na bahagi ng Ika-127 Anibersaryo ng Paglalathala at Pagtatanyag ng Kasarinlan ng Pilipinas.


