Patuloy ang ating paghahanda para sa paparating na Bandafolies 2026, isang prestihiyosong international marching band festival na gaganapin sa France sa Hulyo 2026.
Noong Mayo 20, isinagawa ng mga miyembro ng banda ang kanilang biometric registration para sa Schengen visa application sa Strike Conference Room. Ang banda ay pinangungunahan ni Jesse San Miguel.
Pinangunahan naman ni Bacoor Tourism Officer Edwin Guinto ang koordinasyon para sa visa processing, sa suporta ni Mayor Strike B. Revilla at ng Sangguniang Panlungsod ng Bacoor.
Sa nalalapit na kompetisyon, dala ng Marching Band of Bacoor ang karangalan at talento ng mga Bacooreno habang kanilang kinakatawan ang lungsod at bansa sa pandaigdigang entablado.
#MarchingBandOfBacoor #Bandafolies2026 #BacoorPride #LungsodNgBacoor


