Sa bawat tugtog, bawat hakbang, bawat serbisyo, ang kabataang Bacooreño ay patunay na ang kinabukasan ng ating lungsod ay buhay na buhay.
Maabilidad. Malikhain. May malasakit. Hindi lang sila nangangarap, gumagawa sila ng paraan para sa bayan.
At sa pagtatapos ng video, isang ngiti ng tagumpay: Joy, isang Bacooreña, kinoronahang Ms. Philippines Earth. Isang karangalang hindi lang para sa kanya, kundi para sa buong Bacoor.
Kayo ang lakas. Kayo ang pag-asa. Kayo ang Bacooreño.


