Ngayong tag‑ulan, mas mabilis dumami ang lamok dahil sa naiipong tubig sa paligid. Ang simpleng kapabayaan ay maaaring magdulot ng dengue, isang sakit na maaaring maging malubha at nakamamatay.
Panatilihing malinis ang bakuran, takpan ang mga lalagyan ng tubig, at itapon ang mga naiipon na tubig upang maiwasan ang pamumugar ng lamok. Ang kalinisan sa kapaligiran ay susi sa kaligtasan ng pamilya at komunidad.
#BacoorHealthAdvisory #DenguePrevention #TagUlanSafety #AtHomeKaDito #BacoorUpdates #BacoorCity