Ayon sa ulat ni PLTCOL Alexie A. Desamito ng Bacoor City Police Station, umabot na sa 250 complainants ang opisyal na dumulog at naghain ng kanilang reklamo laban sa Ahjay Paws Aftercare Pet Crematorium.
Sa unang batch ng imbestigasyon, pormal na ibinigay ng mga complainant ang 20 na abo ng kani-kanilang mga pet at ito ay kasalukuyan nang isinasailalim ng PNP Forensic Group sa forensic examination.
Samantala, sa hiwalay na operasyon sa San Jose del Monte, Bulacan, matagumpay na narekober ng mga awtoridad ang 29 na bangkay ng aso.
Sa ngayon 9 sa mga bangkay ang positibo nang kinilala ng kani-kanilang pet owner. Patuloy pa rin ang imbestigasyon at beripikasyon sa iba pang natitirang mga bangkay.
Nagpapaabot din po tayo ng pasasalamat sa pamunuan ng Bacoor PNP at kay NBI Director Atty. Melvin Alvarez Matibag, na tumutulong po na mapabilis ang paglutas sa kaso at mapanagot ang mga nasa likod nito.