Patuloy ang mahigpit na koordinasyon at pagbabantay ng mga ahensya ng pamahalaan sa iba’t ibang sementeryo at memorial parks sa Lungsod ng Bacoor bilang bahagi ng paggunita sa Undas 2026.
Sa pinakahuling monitoring, tinatayang 1,490 na mga bumibisita ang naitala sa mga pampubliko at pribadong himlayan sa lungsod. Nananatiling maayos ang sitwasyon, magaan ang daloy ng trapiko, at maaliwalas ang panahon sa mga lugar na sakop ng pagbabantay.
Pinapaalalahanan pa rin ang lahat na makiisa sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin habang ginugunita ang pag-alaala sa ating mga mahal sa buhay.
#BacoorCCPS #Undas2026 #BagongBacoor #OneBacoorOneCommunity


