Isinagawa ang ikalawang araw ng paghahanda para sa nalalapit na Tsunami Drill 2026 sa Zapote Elementary School. Sa isinagawang pagpupulong, tinalakay at inayos ang formation, ang Master Scenario Events List, at ang mga tungkulin at responsibilidad ng bawat team upang matiyak ang maayos at organisadong pagsasagawa ng drill.
Nakiisa sa paghahandang ito ang mga kinatawan mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO), Bacoor Traffic Management Department (BTMD), CICRD, Philippine Coast Guard Bacoor, CESD, mga guro ng Zapote Elementary School at Talaba Elementary School, gayundin ang mga empleyado at kagawad ng barangay Zapote 1, at Barangay Talaba 3.
Sa sama-samang pagpaplano at malinaw na pagtatalaga ng mga tungkulin, patuloy nating isinusulong ang isang komunidad na handa, ligtas, at matatag sa anumang hamon.
“Preparedness is a shared responsibility. Sama-sama para sa ligtas na paaralan at komunidad!”
#TsunamiDrill2026
#Day2Preparation
#DisasterPreparedness
#InterAgencyCoordination
#SchoolSafety
#ZapoteElementarySchool
#TalabaElementarySchool
#LigtasAngHanda
#SaBacoorAtHomeKaDito