Kasalukuyang isinasagawa ngayon sa Revilla Hall ang YAKAP PhilHealth Caravan 2026, isang mahalagang inisyatiba para sa mga Job Order personnel ng City Government of Bacoor.
Ang aktibidad na ito ay isinulong ni City Mayor Strike B. Revilla upang mabigyan ng pagkakataon ang ating mga Job Order personnel na makapagparehistro para sa YAKAP PhilHealth, gayundin ang makapag-update ng kanilang PhilHealth records at makatanggap ng impormasyon at assistance tungkol sa mga serbisyong pangkalusugan na maaari nilang mapakinabangan.
Pinangunahan ni Dr. Ivy Marie Yrastorza, Head of Bacoor City Health, katuwang ang Human Resources Development and Management Department (HRDMD) sa pamumuno ni Ms. Natividad Ludwig Ople, Department Head, kasama si Ms. Rachelle Alcantara, Assistant Department Head ng ( HRDMD), patuloy na isinusulong ang mga programang nagbibigay-halaga sa kalusugan, kapakanan, at proteksyon ng ating mga kawani.
Serbisyo para sa mga nagseserbisyo sa Bacoor. Kalusugan para sa ating mga kawani. Kalinga mula sa City Government of Bacoor.
📍 Revilla Hall, City Government of Bacoor
📅 October 9, 2026
⏰ 8:00 AM – 5:00 PM
Dahil ang bawat empleyadong naglilingkod sa Bacooreño ay nararapat ding maalagaan at mapangalagaan. 💙❤️


