Noong Pebrero 6, 2026, sa STRIKE Gymnasium, pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa 705 na Bacooreño sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).
Ang programang ito ay isinagawa ng City Government of Bacoor sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWD) na pinamumunuan ni Ms. Emiliana Ugalde, bilang bahagi ng patuloy na malasakit sa mga mamamayang nasa oras ng pangangailangan.
Dumalo rin sa aktibidad sina Councilor Noly Galvez, LnB Vice President Randy Francisco, Kap. Rodolfo T. Banas Jr. (Talaba 2), at Kap. Jordan Bautista (Panapaan 5) bilang suporta sa programa.
Ang AICS ay regular na programa ng Lungsod ng Bacoor na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga Bacooreño sa krisis, lalo na sa:
✔️ Medikal na pangangailangan
✔️ Tulong sa pagpapalibing
✔️ Iba pang mahahalagang pangangailangan
✨ Ipinapakita ng pamamahaging ito ang dedikasyon ng Lungsod ng Bacoor sa pagtulong sa kanyang mga mamamayan sa panahon ng pangangailangan.
Sa Bacoor, bawat tulong ay may malasakit at tuwirang nakakarating sa nangangailangan.
✨ Sa Bacoor, ang malasakit sa pabahay ay tuloy-tuloy at may puso para sa bawat pamilya. ✨
Stay connected with the City of Bacoor!
Please like, follow, and subscribe to our official social media accounts for updates, announcements, and programs:
Facebook: https://www.facebook.com/CityGovtBacoor/
TikTok: https://www.tiktok.com/@citygovtbacoor
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
▶️ YouTube: https://www.youtube.com/@citygovtbacoor
BACOORTVCHANNEL
• Facebook Page: https://www.facebook.com/profile.php?id=61553693151540
• YouTube Channel: https://youtube.com/@striketvchannel?si=eY1ihGqrATCLvhxd
Maraming salamat po sa patuloy na suporta!
#CityGovtOfBacoor
#SaBacoorAtHomeKaDito