Makabuluhan at hitik sa impormasyon ang naging “2024 Performance of Agriculture and Fisheries Data Dissemination Forum”, na inorganisa ng Phil. Statistics Authority(PSA) Cavite Provincial Statistical Office. Tampok sa mga ipineresenta ng mga taga PSA ang mga datos na nakalap sa buong taon ng 2024 ukol sa Cereals,Crops, Fisheries at Livestock and Poultry.
Tinalakay din sa maghapong ito (Nov. 21, 2025) ang pinaka mga bagong programa at proyekto ng PSA na maaring gamitin ng mga komunidad at Local Government Units. Madaming natutunan ang mga kawani ng – na tiyak ang magiging ambag sa pagbuo nila ng mga napapanahong programa na babagay sa mga farmers at fisherfolk ng lungsod ng Bacoor.


