Agad na kumilos ang ating Pamahalaang Lungsod upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at residente matapos mapansin ang isang poste na nakatagilid at maaaring magdulot ng aksidente.
Ngayong araw, matagumpay na natanggal ang poste sa tulong at assistance ng ating Bacoor Traffic Management Department (BTMD).
Isinabay na rin ang pag-alis ng isa pang poste sa boundary ng Habay 1 at Dulong Bayan.
Patuloy ang ating malasakit at serbisyo para sa mas ligtas na Bacoor.


