Batay sa pinakahuling datos ng DOH, kabilang ang mga pasyenteng ginamot sa mga ospital sa labas ng Bacoor, may kabuuang 22 kaso ng fireworks-related injuries ang naitala noong Disyembre 31, 2025 sa pagsalubong sa taong 2026.
Karamihan sa mga kaso ay nagmula sa mga insidenteng naganap sa loob ng tahanan, kabilang ang isang pamilyang mula sa Molino IV na naapektuhan ng fountain fireworks at isang pamilya mula sa Ligas III na nasangkot sa dragon fireworks. Ipinapakita ng ulat na karamihan sa mga nasugatan ay nasa hustong gulang, paalala na ang kaligtasan sa paputok ay responsibilidad ng bawat isa, sa loob man o labas ng tahanan.