Magandang araw, mga Bacooreño!
Pasensya na po sa abala kagabi — nagkaroon lamang ng teknikal na problema ang ating registration link. Ngunit sa mga nakapag-register bago magsara, nakuhanan po namin ang inyong detalye, kaya rest assured na valid ang inyong submission.
GOOD NEWS! Bukas na muli ang registration at marami pa pong available slots para sa LIBRENG Theoretical Driving Course (TDC)!
BAGONG REGISTRATION LINK:
MAHALAGANG PAALALA: Ang Theoretical Driving Course ay 2-DAY TRAINING (8:00 AM – 5:00 PM) at dapat ay makumpleto ang dalawang araw upang makakuha ng sertipikasyon. SIGURADUHIN na ACTIVE at TAMANG EMAIL ADDRESS ang ilalagay sa form dahil dito kayo kokontakin kung kayo ay may slot. Prayoridad ang mga nagmomotorsiklo at mga kabataang gustong magtrabaho sa delivery at ride-hailing services tulad ng Lalamove at Angkas. LIMITED SLOTS kaya mag-register na habang bukas pa!
Sama-sama nating itaguyod ang mas ligtas na kalsada at mas handang kabataang motorista.
Dahil sa Bacoor, At Home Ka Dito!


