Ang PhilHealth Konsulta Caravan 2025 handog ng PESO Bacoor, PhilHealth, at ni Mayor Strike Revilla ay nakatakdang maganap sa Agosto 8, 2025 (Biyernes) simula ng 9:00 ng umaga sa S.T.R.I.K.E. Gymnasium, Bacoor City Hall. Ang inisyatibong ito ay naglalayong maglingkod sa 500 na mga KASAMBAHAY at mga OFW ng Bacoor.
Mga Layunin ng Programa:
Ang PhilHealth Konsulta Caravan 2025 ay naglalayong magbigay ng libreng konsultasyong medikal sa mga Kasamabahay at OFW ng Bacoor habang nag-aalok ng komprehensibong mga serbisyong pangkalusugan na partikular na idinisenyo para sa mga Kasambahay at OFW. Ang programang ito ay nagsisiguro ng accessible na paghahatid ng healthcare sa mga underserved na sektor at pinalakas ang mahalagang pakikipagtulungan sa pagitan ng PhilHealth at aming Local Government Unit.
Ang mga Serbisyong Ibibigay ay libreng konsultasyong medikal ng mga kwalipikadong healthcare professionals at kumpletong medical check-up na ibibigay ng LGU Bacoor Health Centers at mga accredited na pribadong ospital sa lungsod. Bukod pa rito, makakakuha rin ng mga mahalagang PhilHealth services kabilang ang pagbibigay ng bagong PhilHealth cards, pagpapalit ng nawalang cards, at pagsusuri ng PhilHealth status. Libreng pagkain ay ibibigay din sa lahat ng mga kalahok sa buong kaganapan.
Ang mga pinuno ng 47 Barangays ay inaasahang makapagdadala ng 5 participants mula sa kanilang nasasakupang barangay upang mapunuan ang 500 slots na inilaan ng PHILHEALTH Cavite ni Bb. Obelia Fontanilla. Kaya samahan natin si Mayor Strike Revilla, Vice Mayor Rowena Mendiola, Congresswoman Lani Mercado Revilla, PhilHealth at PESO Bacoor sa gawaing ito para sa ating mga kasambahay at mga OFW’s ng Bacoor.


