Ipinagdiriwang natin ang ika-10 taon ng Mandaragat Olympics, isang makulay na selebrasyon ng galing, tibay, at pagkakaisa ng mga mandaragat mula sa pitong coastal barangays ng Bacoor—Maliksi, Kaingin, Digman, Tabing Dagat (ngayon ay Poblacion), Alima, Sineguelasan, at Banalo. Mula pa noong unang Mandaragat Olympics noong 2015, patuloy itong naging simbolo ng kultura, kasaysayan, at puso ng Bacoor bilang isang coastal city.
Tampok sa 2025 ang mga Mandaragat Games tulad ng Tug of War, Sack Race, Tahong Cooking Contest, at Karera ng Bangka (paddle, gasoline, at diesel categories), na nagpapakita ng lakas at liksi ng ating mga bayani ng dagat—lalaki man o babae.
Dumalo sa pagtitipon ang mga panauhing pandangal tulad nina:
BM Alde Pagulayan
Atty. Paul Sanggalang – Vice President for External Affairs, Frabelle Group of Companies
Lita Gawaran – Department Head, Livelihood
Allan Chua – Department Head, Agriculture
Vicky Lazaro – Department Head, City Cooperative
Mr. Dave Yumol – Community Partnership Office, Maynilad
Kap. Caridad Sanchez – Barangay Captain, Sinbanali
Emilie Dionero – Chairperson, Mamayan para sa Lambat at Dagat (Multi-Purpose Cooperative)
Ang Mandaragat Olympics 2025 ay naisakatuparan sa tulong ng mga katuwang na ahensya at organisasyon: Agriculture Office, Maynilad, Frabelle Foods, Mamayan para sa Lambat at Dagat (Multi-Purpose Cooperative), CICRD, Livelihood Office, City Cooperative Office, Brgy. Sinbanali, at ang Philippine Coast Guard.
Sa Progresibong Kostal na Komunidad, Mandaragat ay Aangat!


