Maghahatid ang Land Transportation Office (LTO) ng mga plaka para sa mga may-ari ng motorsiklo at tricycle sa Bacoor City Hall Main Lobby (Bacoor Government Center), Barangay Bayanan, Bacoor City sa darating na August 18, 2025, mula 9:00 AM hanggang 5:00 PM.
Ang mga plaka ay ipagkakaloob sa mga may-ari ng motorsiklo at tricycle na wala pang plaka, na unang nairehistro sa LTO Region IV-A at NCR mula March 1, 2014 hanggang 2017, at may MV File Number na nagsisimula sa 04, 13, at 18.
Maaari ring magpalit ng plaka ang mga may lumang puting plaka na may pitong (7) karakter tulad ng DD12345, na unang nairehistro sa LTO Region IV-A at NCR.
Para makuha ang inyong plaka, kinakailangang magdala ng kopya ng updated na OR/CR, valid ID, at deed of sale kung hindi pa naililipat ang pangalan ng bagong may-ari.
Ang pamamahagi ng plaka ay libre para sa mga kwalipikadong may-ari.
Para sa mga katanungan, maaaring tumawag sa (046) 471 1604 o (046) 458 7980.


