Molino Homes, Barangay Molino 3, Disyembre 5, 2025 – Isang masayang seremonya ang idinaos para sa pagbabasbas at turnover ng bagong gymnasium sa Barangay Molino 3. Ito ay mahalagang proyekto na naglalayong magbigay ng dagdag pasilidad para sa mga aktibidad ng komunidad. Ang proyektong ito ay bunga ng pagtutulungan ng Office ni Congresswoman Lani M. Revilla, Cong. Bryan Revilla ng Agimat Partylist, at ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor.
Dumalo sa nasabing okasyon ang mga sumusunod: Mayor Strike B. Revilla, Cong. Lani Mercado Revilla, Cong. Bryan Revilla ng Agimat Partylist, Councilor Karen Sarino Evaristo, Councilor Horacio Brilliantes, BM Alde Pagulayan, Kap Jun Advincula at ang kanyang Council, at Rev. Fr. Jundie Sumagaysay na nagbasbas sa gymnasium.
Kabilang sa mga dumalo ang iba’t ibang grupo mula sa komunidad tulad ng mga HOA Officers ng Barangay Molino 3, TODA Officers, Urban Officers, at ang Unity Band na nagbigay saya sa pamamagitan ng kanilang musika. Ang bagong gymnasium ay inaasahang magiging sentro ng sports, recreation, at iba pang pagtitipon na makakatulong sa pagpapabuti ng buhay ng mga residente ng Molino 3 at ng mga Bacooreño.