Kahapon September 30, 2025, nagtipon ang mga Barangay Captains, Barangay Treasurers, SK Chairpersons, at SK Treasurers para sa isang mahalagang forum ukol sa tamang kaalaman sa buwis, transparency, at responsableng pamumuno.
Sinimulan ang programa sa registration, Opening Prayer, National Anthem, at Bacoor Hymn. Sinundan ito ng mga mensahe ng suporta mula sa mga kinatawan ng Sangguniang Panlungsod at ng City Administrator.
Ang lecture series ay pinangunahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Region 54-B, sa pangunguna ng City Finance Department headed by Atty. Edith Napalan, in coordination with the Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO) led by Ms. Kathrina J. Sanchez. Kabilang sa mga tagapagsalita sina Atty. Eliseo Raul G. Bacalzo, Ms. Maria Lea B. Sarino, Mr. Mark Kevin Tiu, Ms. Laudette Dacudag, at Ms. Noemi Boboyo. Sa open forum, malayang naipahayag ng mga kalahok ang kanilang mga tanong at saloobin ukol sa barangay finance at taxation.
Bilang pagtatapos, nagbigay ng Closing Remarks si Hon. Strike B. Revilla, City Mayor ng Bacoor, na muling pinagtibay ang suporta ng lungsod sa mga lokal na lider para sa mas mahusay na pamahalaan.
Dumalo rin sa pagtitipon sina City Administrator Atty. Aimee Torrefranca-Neri, City Councilors Hon. Bok Nolasco, Hon. Noly Galvez, at Hon. Mark Joseph Bautista, kasama ang mga kinatawan mula sa ABC at SK Federation.
Isang makabuluhang hakbang ito tungo sa mas matatag, mas maalam, at mas tapat na pamumuno sa barangay.