Araw ng Kasambahay sa Lungsod ng Bacoor: Pagpapahalaga, Serbisyo, at Pagkakaisa

Ipinagdiwang ng Lungsod ng Bacoor ang Araw ng Kasambahay, isang espesyal na pagtitipon para kilalanin ang mahahalagang ginagampanan ng ating mga kasambahay sa bawat tahanan at komunidad. Tampok sa selebrasyon ang paglulunsad ng Kasambahay ID Card at registration sa pamamagitan ng PESO Bacoor para sa mas mabilis na pag-access ng mga serbisyo at benepisyo.

Tuon ng programa ang pagpapatupad ng City Ordinance No. 427-2025, na nagtatakda ng karagdagang pribilehiyo para sa mga kasambahay sa lungsod tulad ng libreng sine, libreng training, at iba pang serbisyong handog ng DOLE at ni Mayor Strike Revilla. Layunin nitong itaas ang antas ng kasambahay bilang bahagi ng sektor ng paggawa na marapat tumanggap ng proteksiyon, paggalang, at oportunidad.

Bilang pagkilala sa maayos na pagpapatupad ng ordinansa at suporta sa sektor, pinarangalan ng PESO Bacoor ang 18 Barangay Captains na nagtaguyod ng sariling Kasambahay Desk Office at nagtayo ng kasambahay association na may halal na mga opisyal sa kani-kanilang barangay. Kabilang dito ang:

BAYANAN – Kap. Alfie Ogalesco Gawaran
HABAY I – Kap. Robert Velasquez Castillo
LIGAS I (Ligas I & II) – Kap. George Gregorio Medina
LIGAS II (Ligas III) – Kap. Pablo Navarette Morales
MALIKSI I – Kap. Louie Roland Felizardo Ugalde
MAMBOG II (Mambog II & V) – Kap. Rogelio Javinal Pilar
MOLINO I – Kap. Jeo Medina Dominguez
MOLINO III – Kap. Apolonio Ilas Advincula Jr.
MOLINO IV – Kap. Jeffrey Pakingan Campaña
MOLINO V – Kap. Bob Falla Binghay
MOLINO VI – Kap. Ronaldo Javier Javier
MOLINO VII – Kap. Antonio Nacario Blanquera
POBLACION – Kap. Randy Celestino Francisco
P.F. ESPIRITU IV – Kap. Jordean Zyvon Bautista
P.F. ESPIRITU VI (PF Espiritu VIII) – Kap. Ferdinand Segismundo Barba
QUEENS ROW EAST – Kap. Theodore Fernandez Montes
SALINAS II – Kap. Mark Anthony Guerrero Torno
ZAPOTE I – Kap. Vivian Gawaran Ramirez

Kinilala rin ang mga Law-Abiding Kasambahay Employers na sina Ma. Ophelia Miro at Maribel Piramide para sa kanilang katapatan, pagsunod sa batas, at pagiging ehemplo ng paggalang at integridad sa kanilang sektor.

Ginawaran din ng DOLE ang butihing Mayor Strike Revilla sa kanyang pagpupursige na itaas ang antas ng ating mga kasambahay at itaguyod ang kanilang karapatan, benepisyo, at dignidad bilang mahalagang bahagi ng sektor ng paggawa. Ang pagkilalang ito ay patunay na ang lokal na pamahalaan ng Bacoor ay seryoso sa pagpapatupad ng mga polisiya at programang nakabatay sa batas at tunay na pangangailangan ng komunidad.

Mataas ang naging enerhiya at saya ng selebrasyon—may salo-salo, palaro, raffle prizes, at pamamahagi ng health kits para sa ating mga kasambahay. Higit sa kasiyahan, ipinakita ng aktibidad na ang pagkilala sa kasambahay ay hindi lamang simboliko, kundi may kaakibat na konkretong serbisyo at programang tunay na mapapakinabangan ng sektor.

Patuloy na isinusulong ng PESO Bacoor ang mga makataong programa na tumutugon sa karapatan, benepisyo, at dignidad ng mga kasambahay, alinsunod sa Batas Kasambahay (RA 10361) at iba pang patakaran sa sektor ng paggawa. Ang pagkakaisang ito ng LGU, DOLE, barangay, at komunidad ay patunay na sa Bacoor, ang bawat kasambahay ay kinikilala, iginagalang, at pinapahalagahan.

SHARE
Previous articleAPP 2026
Next articleBody Camera Distribution