Isang makabuluhang pagdiriwang ang ginanap sa ika-7 anibersaryo ng Southern Tagalog Regional Hospital (STRH) — ang kauna-unahang DOH hospital sa Cavite — bilang pagpupugay sa patuloy nitong paglilingkod sa libu-libong mamamayan.
Sa pangunguna ni Hospital Director Dr. Ruby Ephraim Rubiano, ipinakita sa selebrasyon ang mga tagumpay ng ospital at ang mga susunod pang hakbang para sa mas pinalawak na serbisyong pangkalusugan. Nakiisa rin sa pagdiriwang sina Mayor Strike B. Revilla, LnB Vice President Randy Francisco, at DOH Provincial Director Dr. Ferdinand Eusebio, kasama ang mga doktor, nars, at kawani ng ospital.
Sa kasalukuyan, ang STRH ay may:
✔️ 300-bed capacity
✔️ Dialysis services
✔️ Laparoscopy procedures
✔️ Major surgeries
✔️ Halos 95% specialist doctors
📢 Inanunsyo rin na ang ospital ay kasalukuyang ina-upgrade bilang Level 3 Hospital, na magbibigay-daan sa mas komprehensibong serbisyong medikal. May plano rin ang STRH na magkaroon ng MRI machine upang mapalakas pa ang kanilang diagnostic capabilities.
Ang lupang kinatatayuan ng ospital ay ipinagkaloob ni dating Senador Ramon Revilla Sr., habang ang mga gusali ay naipatayo sa pamamagitan ng pagtutulungan ng LGU Bacoor sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla.
Sa kanyang mensahe, nagpasalamat ang alkalde sa lahat ng naging katuwang sa pagtatayo at tagumpay ng ospital, at pinaalalahanan ang mga kawani na patuloy na maglingkod nang may malasakit, integridad, at ngiti.
💚 Patunay ang STRH na ang dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan ay kayang maabot sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos para sa kapakanan ng komunidad.
📣 Stay connected with the City of Bacoor!
Please like, follow, and subscribe to our official social media accounts for updates, announcements, and programs:
🔵 Facebook: https://www.facebook.com/CityGovtBacoor/
🎵 TikTok: https://www.tiktok.com/@citygovtbacoor
📸 Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
▶️ YouTube: https://www.youtube.com/@citygovtbacoor
📺 BACOORTVCHANNEL
• Facebook Page: https://www.facebook.com/profile.php?id=61553693151540
• YouTube Channel: https://youtube.com/@striketvchannel?si=eY1ihGqrATCLvhxd
Maraming salamat po sa patuloy na suporta! 💙
#CityGovtOfBacoor
#SaBacoorAtHomeKaDito


