Strike Gymnasium, October 9, 2025 – Matagumpay na naipamahagi ngayong araw ang tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa mga mag-aaral ng public senior high school sa lungsod ng Bacoor. Ang pamamahagi ay pinangunahan ng tanggapan ni Congresswoman Lani Mercado Revilla, katuwang si Cong. Bryan Revilla ng Agimat Partylist, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Dumalo sa nasabing pamamahagi sina Mayor Strike B. Revilla, Vice Governor Ram Revilla Bautista, BM Alde Pagulayan, Coun. Noly Galvez, Coun. Adriel Gawaran, Coun. Obet Advincula, at Coun. Udoy Brillantes, na nagpapakita ng suporta ng iba’t ibang sektor ng pamahalaan sa edukasyon ng mga kabataan.
Umabot sa 1,534 na mag-aaral sa unang batch (umaga) at 884 sa ikalawang batch (hapon) ang nakatanggap ng tulong pinansyal. Ang pondong ito ay mula sa DSWD at naibaba sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pangunguna ni Cong. Lani Mercado Revilla, katuwang si Cong. Bryan Revilla, na naglalayong magbigay ng dagdag na suporta sa kanilang pag-aaral.
Ang iskolarship na ito ay malaking tulong sa mga mag-aaral upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral, tulad ng mga gamit, proyekto, at iba pang gastusin, na makakatulong sa kanilang tagumpay sa kanilang edukasyon.