Habang nagpapatuloy ang mga Barangay Rabies Vaccination Programs, siguraduhin nating ligtas at komportable ang ating mga alagang hayop.
Ang City Veterinary Services Office ay nagpaalala sa lahat na magdala ng tubig, panangga sa init, at tamang carrier o tali para sa inyong mga alaga. Iwasan ang matinding sikat ng araw, panatilihing kalmado ang mga hayop, at sundin ang mga tagubilin ng vaccination personnel para sa maayos na proseso.
Kasama ito sa Action Plan for El Niño ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor upang mapanatiling ligtas ang ating mga alaga sa panahon ng matinding init.
Para sa kaligtasan ng ating mga alagang hayop, Dahil sa Bacoor, At Home Ka Dito!