STRIKE Gymnasium, Nobyembre 3, 2025 – Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, programa nila Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod, at ng Team Revilla sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWD) sa ilalim ni Ms. Emiliana Ugalde, ay nagbigay ng “Kalinga sa Matanda” sa mga senior citizen ng Barangay P.F. Espiritu 4 at 6.
Dumalo sa kaganapan sina BM Alde Pagulayan, Councilor Karen S. Evaristo, Ms. Nenita Reyes (OSCA Head), Kap Zyvon Bautista at mga opisyal ng Barangay P.F. Espiritu 4, at Kap Ferdie Barba at mga opisyal ng Barangay P.F. Espiritu 6.
Umabot sa 991 benepisyaryo mula sa Barangay P.F. Espiritu 4 at 1,528 benepisyaryo mula sa Barangay P.F. Espiritu 6 ang tumanggap ng “Kalinga sa Matanda,” na may kabuuang 2,519 na senior citizens. Ang programang ito ay nagpapakita ng walang humpay na pagmamalasakit at suporta ng pamahalaang lungsod sa mga nakatatanda ng Bacoor.
SHARE
Previous articleGabing Panalangin
Next articleKwentong Pasasalamat