Revilla Hall, Lungsod ng Bacoor – September 3, 2025 – Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang isang civil wedding ceremony para sa apat na couples. Ang okasyon ay isinagawa ng Office of Mayor Strike at ng Office of the City Civil Registry sa pangunguna ni Ms. Ma. Theresa Cameros.
Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang oath-taking ng mga ikinasal. Nagbigay din ng marriage counseling si Councilor Pastor Mike Bautista.
Ang mga lucky couples na nagsumpaan ng kanilang pagmamahalan ay sina:
1. Christian R. Aguiflor at Darren Rachel H. Daño
2. Harvy V. Natalio at Jiehua Huang
3. Mark M. Calminero at Michelle L. Dellosa
4. Gemar S. Ledesma at Roselle A. Eusebio
Saksi sa kanilang pag-iisang dibdib ang kanilang mga parents, relatives, ninong at ninang. Ang ceremony ay dinaluhan din ng mga staff ng CCR.