Isang karangalan para sa City Government of Bacoor ang muling pagkilala sa ating mga natatanging Nutrition Councils sa 2026 CALABARZON Regional Nutrition Awarding Ceremony (RNAC) na ginaganap ngayong October 15, 2026sa Hotel Casiana & Events Center, Tagaytay City.
Ang City of Bacoor ay tumanggap ng 3rd Year Green Banner Seal of Compliance (GBSC) Award for the 4th consecutive year bilang pagkilala sa patuloy na mahusay na pagpapatupad ng mga programa at inisyatiba para sa nutrisyon at kalusugan ng ating mga Bacooreño sa pamumuno at direktiba ni Mayor Strike Revilla.
Ito ay dinaluhan ni Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, Vice-Chair ng Bacoor City Nutrition Committee, kasama ang masisipag na Barangay Nutrition Council representatives at Barangay officials mula sa:
Barangay Sinbanali – Hon. Caridad J. Sanchez
Ms. Cristirose B. Raagas – 2nd Placer in the Search for the Regional Outstanding Barangay Nutrition Scholar (ROBNS)
Barangay Molino 1 – Hon. Jeo M. Dominguez
Finalist in the Search for Regional Outstanding Barangay Nutrition Committee (ROBNC)
Ang pagkilalang ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng City Government of Bacoor, City Nutrition Committee, mga Barangay Nutrition Councils, Barangay officials, Nutrition Program Coordinators, at mga katuwang sa pagpapatupad ng mga programang pangnutrisyon.
Isang espesyal na pagkilala rin kay Ms. Cristine O. Elalto -Finalist in the Search for the Regional Outstanding City Nutrition Action Officer (ROCNAO) at ni Ms. Rosalie T. Regulacion – Finalist in the Search for the Regional Outstanding City Nutrition Program Coordinator (ROCPNC).
Nutrisyon ay puhunan sa malusog, masigla at mas maunlad na Bacoor!
Congratulations, Bacooreños!