Bilang paghanda sa pagbabalik eskuwela ng ating kabataang mag-aaral, namahagi ang Department of Education at Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ng mga laptops para sa ating mga butihing guro kaninang umaga. Ito ay makakatulong sa distance learning na kailangan nilang isagawa sa gitna ng pandemya. Kasama sa pamamahagi sina City Administrator Jerome Oliveros at DepEd Schools Division Superintendent Dr. Edith Atendido.