Nakatanggap ulit ang Bacoor City Police Station ng ilang parangal mula sa Oversight Committee on Anti-illegal Drugs, Anti-illegal Gambling, and E-MPO.

Tinalagang Top Performing City Police Station ang Lungsod ng Bacoor para sa pinakamaraming krimeng na-clear at sa kampanya laban sa mga Most Wanted Persons para sa Agosto 2019.

Kasabay nito’y pinangalanan din itong
Top Performing City Police Station on Anti-illegal Drug Operations sa pagsagawa ng 11 anti-illegal drug operations na nagresulta sa pagka-aresto ng 26 illegal drugs personalities at most number of illegal drugs seized mula Setyembre 10 – 16, 2019.