Ito’y bilang pakikiisa ng City Cooperative Development Office at ng City of Bacoor Cooperative Development Council na pinamumunuan ni
Ms. Vicky Lazaro sa pagdiriwang ng National Cooperative Month na may temang “KooPinas: Nagkakaisang Lakas para sa Makabuluhan at Sama-Samang Pag-unlad”. Layon ng aktibidad na mas mapalalim ang kaalaman ng mga paaralan, partikular na ang mga estudyante tungkol sa mga kooperatiba at ang mga serbisyong ibinibigay nito. Ito ay nilahukan ng mga Grade 10 students mula sa iba’t-ibang private at public schools ng Bacoor City. Nagwagi bilang kampeon si Hadrien Axel Bertillo mula sa Bacoor National Highschool Villa Maria Annex na nakatanggap ng plaque at Php5,000 na cash prize. Tinanghal namang 1st Runner-up si Anika Paige Hontiveros ng Queensrow Integrated Science School at 2nd Runner-up naman si Cloe Jecellie Urmeneta mula sa Diamond Academy. Sila ay nakatanggap din ng plaque at cash prizes na Php3,000 (1st Runner-up) at Php2,000 (2nd Runner-up). Ang kampeon at 1st Runner-up ay kakatawanin ang lungsod ng Bacoor sa provincial level na kompetisyon sa October 12, 2022.