Nagkaroon ng pagpupulong ang mga miyembro ng Local Finance Committee na pinangunahan ni City Administrator Jerome Oliveros tungkol sa kasalukuyang status ng income versus expenses ng City Government sa nakaraang mahigit dalawang buwan ng community quarantine. Ito ay upang masiguro na mananatiling resilient ang pamahalaan lungsod sa negatibong epekto ng COVID-19 pandemic.

Kasama sa meeting ang Business Permit and Licensing Office, Office of the Building Official, Assessor’s Office, Accounting Office, Budget Office, Treasurer’s Office, Management Information System Department, at Planning and Development Office.