Bacoor City, Hulyo 10, 2025 — Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang isang masayang jamming session kasama ang Strike Sa Serbisyo Band sa Bacoor Live Music TV bilang bahagi ng Throwback Thursday episode. Inorganisa ito ng City Government of Bacoor sa pamamagitan ng City Information and Community Relations Department (CICRD) na pinamumunuan ni Ms. Kristine Evangelista.
Kasama sa banda sina Anna, John Eric, Jimmy, at Rico, na naghatid ng mga paboritong kanta mula sa nakaraan, habang si Mayor Strike ay sumabay sa pagkanta. Ang programang ito ay bahagi ng Bacoor Music TV (BMTV) na nagbibigay ng live music tuwing Martes, Huwebes, at Biyernes mula 3:30 ng hapon sa Strike TV Studio.
Iniimbitahan ng lungsod ang lahat ng Bacooreño na panoorin at makinig sa mga live performances tuwing Martes, Huwebes, at Biyernes mula 3:30 ng hapon sa Strike TV para malibang at makisaya.