Tanggapan ng Alkalde, Setyembre 1, 2025 – Buong pusong nagpaabot ng pasasalamat si Ms. Cheryl Almoete, kasama ang kanyang ina na isang OFW, kay Mayor Strike B. Revilla para sa agaran at maasikasong tulong na ipinaabot ng PESO Bacoor. Ang mabilis na aksyon ni Mayor Strike ang nagbigay daan para sa muling pagkikita ng mag-ina.
Sa pangunguna ni Dr. Abraham “BOB” De Castro, head ng PESO Bacoor, personal na sinamahan ang mag-ina sa kanilang pagbisita kay Mayor Strike. Ibinahagi ni Dr. De Castro ang kwento ng pagkakaisa at malasakit kung paano tinugunan ng PESO Bacoor ang panawagan ni Ms. Almoete sa Viber account ng Mayor.
Matatandaang humingi ng tulong si Ms. Almoete upang mapauwi ang kanyang ina mula Jeddah, na anim na taon nang hindi nakakauwi at may karamdaman pa. Agad namang inatasan ni Mayor Strike ang PESO Bacoor na makipag-ugnayan sa OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) para maasikaso ang pagpapauwi nito. Sa loob lamang ng dalawang linggo, sa tulong at dedikasyon ng PESO Bacoor, muling nagkasama ang mag-ina, saktong-sakto pa para sa nalalapit na kaarawan ng ina!
Hindi lamang ito basta pagbibigay ng serbisyo sa trabaho, kundi pagbibigay ng pag-asa at pagpapatunay na sa Bacoor, walang naiiwan! Lubos din ang pasasalamat kay Mr. Eric Miranda ng OWWA sa kanyang pakikipagtulungan sa PESO Bacoor para maisakatuparan ang muling pagkikita ng mag-ina. Ito ay patunay na sa Bacoor, ang bawat pamilya ay mahalaga at pinahahalagahan.
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.


