Mas makasisiguro ang mga Bacooreno at ating mga kababayan sa mga karatig bayan ng mas magandang serbisyo mula sa Southern Tagalog Regional Hospital, ang dating Bacoor District Hospital. Matagumpay na naitulak nina Mayor Lani Mercado Revilla at Congressman Strike B. Revilla ang pagpasa ng Republic Act 11233 na masayang nilagdaan ni Pangulo Rodrigo R. Duterte para sa pag-upgrade ng Bacoor District Hospital sa isang Level III hospital, ang highest category ng ospital sa bansa na makapagdudulot ng mas maraming serbisyo.

Matatandaang si Senator Ramon Revilla Sr. ang nagdonate ng bahagi ng lupang kinatatayuan ng ospital, at si Senator Ramon ā€œBongā€ Revilla Jr. ang naglaan ng pondo para sa pagpapatayo nito.

Kaninang tanghali, naganap na ang inaabangan ng marami sa pormal na pamamahala ng Department of Health sa Southern Tagalog Regional Hospital. Sa ilalim ng DOH, magiging 100-bed hospital ang STRH na tutugon sa pangangailangan ng mga taga-Calabarzon.

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani