Makakatulong ito sa daloy ng trapiko mula Cavite hanggang National Capital Region.
Ito ay kasunod ng ating pakikipagpulong kina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Carlo Dimayuga at Director Noemi Recio (Traffic Management Division), kung saan nakasama din po natin si Coun. Alde Pagulayan. Natalakay din po ang assistance ng MMDA sa pag-update ng Traffic Management Plan ng Lungsod ng Bacoor.
Kasalukuyan na po nating inaayos ang mga hakbangin kaugnay ng proyektong ito, kabilang na ang memorandum of agreement (MOA) signing na siyang magiging hudyat ng pagsisimula nito.
Tungo sa patuloy na progreso, as we #StrikeAsOne… dahil #SaBacoorAtHomeKaDito