Sa flag raising ceremony kaninang umaga, ipinakita ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ang inisyatiba nito upang magamit ang advanced na teknolohiya para sa patuloy na paglago at pag-unlad ng Lungsod ng Bacoor. Sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ang kampanya sa pamamagitan ng pag-convert sa Bacoor Government Center sa isang solar-powered na gusali. Ang hakbang na ito ay magbubunga sa makabuluhang pagtipid sa gastos sa kuryente na maaaring magamit ng Pamahalaang Lungsod para sa iba pang mga serbisyong pampubliko. Isa lamang ito sa mga hakbang ng Pamahalaang Lungsod na gamitin ang teknolohiyang environment-friendly at cost-effective sa hangarin nitong gawing premiere business hub south of Metro Manila ang Bacoor.