Maraming salamat sa inyong mga mungkahi kung paano natin matutugunan ang lumalalang problema sa trapiko. Bilang tugon, nais naming ipabatid na simula sa Lunes, Oktubre 13, muling magiging operational sa lahat ng oras ang mga traffic light sa mga pangunahing interseksyon. Ibig sabihin, hindi na ito papatayin tuwing rush hour.
Sinubukan naming huwag paganahin ang traffic lights sa mga oras ng matinding trapiko upang mas mapapabilis ang daloy ng sasakyan. Gayunpaman, sa pagtitimbang ng mga naging epekto at sa tulong ng inyong mga puna, tinitingnan namin ang iba’t ibang posibleng solusyon, kabilang na ang inyong mga mungkahi.
Samantala, ang mga lugar na walang traffic light ay patuloy na babantayan ng ating mga traffic enforcer upang masigurong maayos ang daloy ng trapiko.
Patuloy naming pinag-aaralan ang mga pangmatagalang solusyon upang matugunan ang lumalalang trapiko, na dulot na rin ng patuloy na pagdami ng mga sasakyan. Makakaasa kayong kami ay nakikinig, kumikilos, at kaisa ninyo sa layuning maibsan ang suliraning ito.


