Feast of St. Michael the Archangel
September 29, 2025 | 8:00 PM
Bacoor Town Plaza Stage, Brgy. Poblacion
Maraming salamat po sa lahat ng dumalo at nakisaya sa ating Bakood Festival 2025 Free Concert! Isang gabi ng musika, saya, at pagkakaisa ang ating pinagsaluhan bilang pagdiriwang sa ika-354 na anibersaryo ng Bacoor at kapistahan ni St. Michael the Archangel.
Mula sa pagbati ng ating mga panauhin, performances ng SK Band, Dear Dahlia, at Silent Sanctuary, hanggang sa makulay na fireworks display—ramdam ang init ng suporta ng Bacoorenos!
Nagbigay rin ng mensahe si Cong. Lani Mercado Revilla at si City Mayor Strike B. Revilla para sa lahat ng dumalo, bilang pasasalamat sa patuloy na pagmamahal sa ating lungsod.
Sa ngalan ng City Government of Bacoor, taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyong pakikiisa. Hanggang sa susunod na selebrasyon!


