Hasain na ang iyong talento sa pagtugtog ngayong Sabado sa Bacoor Marching Arts Workshop — isang FREE workshop handog ng City Government of Bacoor at National Commission for Culture and the Arts!
Makakasama rito ang mga experienced mentors at resource speakers mula sa Band Conductors League of the Philippines na handang magbahagi ng kanilang kaalaman at inspirasyon para sa susunod na henerasyon ng mga musikero ng Bacoor.
Para sa mga nagregister, magsuot ng white shirt at magdala ng extra black shirt, black pants, black shoes, sariling instrument, at music stand.
Huwag palampasin ang pagkakataong ito na maging bahagi ng lumalaking marching arts community ng Bacoor!
#BacoorTourismAndCulturalAffairs
#SaBacoorAtHomeKaDito


