Sa 2025 Manila Bay Day Awarding Ceremony, kinilala ang ating lungsod dahil sa patuloy na pagsusumikap para sa kalikasan at pangangalaga ng baybayin.
Sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla at sa dedikasyon ng ating City Environment and Natural Resources Office (CENRO), naiuwi natin ang mga parangal na ito:
Silver Award – 2024 LGU Compliance Assessment
85% Compliance Rating – 2024 LGU Compliance Award
Overall Regional Champion – 2024 Fisheries Compliance Audit (FishCA)
Ang ating Vice Mayor Rowena Bautista‑Mendiola ang tumanggap ng mga parangal bilang kinatawan ng Bacoor.
Patunay ito na sama‑sama tayong kumikilos para sa mas malinis, mas ligtas, at mas maunlad na Bacoor.