Ngayong Oktubre, buong pusong ipinagdiriwang ng Bacoor City Jail Male and Female Dormitory ang BJMP 15th Community Relations Service Month na may temang: “Empowered Communicators, Engaged Public: Promoting Responsible Messaging in Jail Management”.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, abangan ang iba’t ibang makabuluhang aktibidad na naglalayong palakasin ang komunikasyon at kapakanan ng ating mga Persons Deprived of Liberty (PDL):
Pasinaya ng Freedom of Information (FOI) para sa mga PDL
Communications Engagements
Pagdiriwang ng NACOCOW Week
Culmination Activities
Lubos din ang pagsuporta natin sa Lokal na Pamahalaan ng Bacoor sa pangunguna ng ating butihing Alkalde, Hon. Mayor Strike B. Revilla, sa kanyang walang-sawa at buong-pusong suporta sa mga programa para sa kapakanan ng mga PDL, kapayapaan, at kaayusan sa ating lungsod.


