Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Skin Disease and Prevention Week, handog ng City Health Office ng Bacoor, katuwang ang Philippine Dermatological Society at Cavite East Asia Medical Center Section of Dermatology ang isang espesyal na araw ng libreng konsultasyon sa balat para sa ating mga Bacooreno.
Isang pagkakataon ito upang masuri at mabigyan ng tamang payo ng mga eksperto. Dahil ang kalusugan ng balat ay kasinghalaga ng kalusugan ng buong katawan.
PAALALA: May 150 slots lamang po kaya FIRST COME, FIRST SERVED basis po it.
Tara na, Bacoor! Sama‑sama tayong maging mas malusog at mas masigla.