Kinilala ng mga representatives ng World Health Organization ang pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa containment at isolation ng mga confirmed at suspected cases, at sa tapat at napapanahon na pag-ulat ng mga kaso ng Covid-19 sa pamayanan. Sa kanilang makabuluhang pag-uusap kasama ang mga kawani ng Bacoor City Health Office sa pangunguna ni Dr. Ivy Yrastorza at ni Cristina Sumulong ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, natalakay din ang kapasidad ng lungsod sa contact tracing. Sa huli’y nagtungo ang lahat sa Zapote 5 para sa isang site visit.

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani