Kasalukuyang ginaganap ang 20th National Convention of the Association of Tourism Officers of the Philippines (ATOP) sa Ilocos Norte. Nagsimula ang convention
sa pamamagitan ng isang Parade of Regions na nilahukan ng mga delegasyon mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas kasama ang mga dance groups mula sa iba’t ibang munisipalidad ng Ilocos Norte. Kasama sa Parade of Regions ang mga kawani ng Tourism Development Office ng Lungsod ng Bacoor. Ginanap ang parada sa Centennial Arena Grounds Laoag.

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani