STRIKE Gymnasium, Disyembre 2, 2025 – Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla, sa tulong ng City Social Welfare and Development Office (CSWD) sa ilalim ni Ms. Emiliana Ugalde, ang matagumpay na pamamahagi ng “Kalinga sa Matanda” para sa mga senior citizen sa Distrito 1 (Batch 2) na hindi nakakuha ng kanilang benepisyo sa unang iskedyul.
Personal na dumalo si Mayor Strike B. Revilla kasama si Konsehala Karen Sarino Evaristo upang suportahan ang okasyon. Sa pamamagitan naman ng Audio Visual Presentation (AVP), nagpaabot ng kanilang suporta sina Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, Kongresista Lani Mercado Revilla, at Kongresista Bryan Revilla ng Agimat Partylist.
Ang programang ito ay para sa mga nakatatandang residente ng Barangay Niog, Real, Aniban 1-2, Zapote 1-3, Talaba 1-3, at Ligas 1-2. Sa pamamagitan ng “Kalinga sa Matanda,” tinitiyak ng Pamahalaang Lungsod na makatanggap ng kaukulang tulong ang bawat senior citizen na karapat-dapat, pinatutunayan ang kanilang dedikasyon sa kapakanan ng mga nakatatanda sa Bacoor.
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.


